Banana Split Taping x Showbiz Memories

So out of the blue, my best friend, KC suddenly invited me to join her, her hubby, Rei and sis-in-law, Rein to watch Banana Split live. Jason Gainza is actually KC’s cousin-in-law. I said yes, knowing that kuya Carlo will be there as well.

Akala ko, taping na taping ito. Hindi pala, spontaneous na live show pala ito, walang cut cut. Di ko alam na ganun pala pag sa Banana Split. Kasi ang tagal ko ng hindi nanonood ng mga tapings. Pitong taon na ang nakalipas nun huli akong tumungtong sa ABS-CBN or any other location para sa kahit anong panonood ng show nila or taping. Though nun 2008, sumama ako ng ilang beses kay kuya sa tapings niya ng Rakista, I find it different and special compared sa ABS-CBN tapings na napuntahan ko dati.

So, ito, sa Club Mwah sa Boni Ave. pala ito ginagawa every week.

And since si Pratty eh nagcelebrate ng kanyang birthday nun araw ng mga puso, ginawan nila ang episode na ito as his birthday celebration as well as pag congratulate kay Pratty for his 20 years in the biz. In short, umikot ang buong show kay Pratty.

As you have watched last Saturday’s episode, he danced with few people in his life na ni surprise siya, like kuya Carlo and Angel dancing with him in the tune to the G-Mik theme song, his nephew Nathan, his brother, Raffy, pati si kuya Jayson and Zanjoe.

Direcho ko na ito sa sobrang ikling reunion na naganap sa Banana Split. JCS reunion minus Stefano Mori at G-Mik reunion, again, si Stefano lang ulit ang wala. Andun din kasi si Camille, di lang siya pwede lumabas on screen.

Alam niyo yung feeling, overwhelming, nag flash back yung lahat ng memories ko mula nun early 2000, nun una ko silang makilala, maging kaibigan. Nalala ko yung mga times na kasama ko sila, di lang sa taping, sa kainan, sa tawanan. Hindi na lang kasi sila nun si Jun Jun, Jelai, Yuan ng Gmik sa akin nun, hindi na lang sila si Aries, Nicole, Javie ng Berks(sama na natin sina Penelope, Gwyneth, Jennifer Love, Oreo, Brooke, Ketchup, Pamela Sue, Haley, Simon), sila na ay sila, yung pangalan talaga nila. Totoong tao at hindi pawang katha lamang. Hindi lang artista, karamihan sa kanila naging ka close ko rin, nakilala ko ng higit sa pangalang meron sila sa industriya at naging me mga kaibigan pa rin ako na kahit hanggang ngayong halos isang dekada na ang lumipas eh, anjan pa rin sila, di pa rin nakakalimot, me communication man o wala, pag nagkasalubong sa kung san man, maaalala ka talaga nila at mangangamusta.

Ito yung mundo ko. At never ko itong ikakahiya.

Dahil sa mundong ito, nagkaron ako ng mga kaibigang tunay.

Eh ito, edi pinanonood ko din shempre yung episode nito sa TV diba? Me mga pinakitang clips ng G-Mik at Berks. Back ground music yung “Nangmakilala ka” ng JCS. Eh yung makaluha yung mata ko, wagas?!

Sobrang impact kasi itong mga show na ito sa akin eh. Kinalakihan ko na sila, feeling ko kasabay ko din sila nag grow up, and I’m sure kayo din. Iba yung pagmamahal ko sa mga ito lalo na sa mga taong nandidito. It will always be a part of me, a big part of me.

Di ko akalaing 7 taon na pala ang lumipas mula nun huli akong nainvolve dito. At halos isang dekada na pala itong feeling na ito sa buhay ko. Grabe ganun na katagal, I met them a few years before I turn 18 at ngayon, halos mag 30 na kami. Imagine?!

Masaya ako na nabalikan ko yung isang parte ng past ko, kahit ilang oras lang. Naniniwala ako, na hindi mo dapat kalimutan ang past mo kasi ito ay malaking parte sa kung ano ka ngayon.

Hindi man ako artista katulad nila, pero tao din sila tulad ko. At hindi porket magaling sila umarte eh, acting lang din ang pagpapakita nila. Meron din namang hindi ganun, at na prove ko ito. At isa lang ang masasabi ko, mas totoo pa tong mga umaakting na ito sa ibang tao sa paligid ko.

To THE John Prats, Happy Happy Birthday and Congratulations sa 20 years mo sa biz. Isa ka sa mga taong karapatdapat sa industriyang ito. Na-touch naman ako na after all this years eh nun nagkita tayo kahit saglit nun taping eh, nakamusta mo pa ako, at naalala mo pa ako.  Continue to be the good person that you are. Good luck sayo, Pratty!

Advertisements
This entry was posted in showbiz and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s