Let's Tagalize

Dahil katapusan ng Buwan ng Wika ngayon, minarapat kong magsalita sa ating sariling wika, na malimit kong ginagawa ng buong buwan ng Agosto sa aking blog.

Napagtanto ko lang na natapos na ang 3/4 ng taon, pag pasok ng unang araw ng Setyembre huhudyat na ito ng tinatawag ng mga taong “Ber Months” – na ang ibig sabihin ay nalalapit na ang Pasko at ang Bagong Taon. Dahil dun, ako rin ay naglagay na ng sariling count down sa gilid ng aking blog.

Hindi ko akalaing mas bibilis pa sa salitang bilis ang oras. Hindi ko man lang namalayan ang oras ngayon. Parang ang dami daming nasayang na hindi ko na din naman maibabalik pa. Tanging magagawa ko na lang ngayon ay lubusin ang natitirang apat na buwan bago sumapit ang bagong taon para namnamin ang bawat sandali. Pipilitin kong tapusin ang kailangang matapos para ng saganon ay makausad na din ako sa susunod na yapak ng aking buhay. Mashado na din akong matagal na nakatigil sa yugtong ito ng aking buhay, kailangan ko ng tapusin ito para ng saganon ay makamit ko na ang mga bagay na pinapangarap kong gawin.

Pero sa totoo lang, sa dami ng kailangan kong gawin, hindi ko alam kung ano ang aking sisimulan. Sana lang, matapos ko ang mga kailangan kong tapusin sa oras na kailangan ko silang matapos. Ayoko naman din kasing mapahiya sa mga cliente ko na ikapapangit din ng pangalan ng kasisimula ko lang na negosyo. Sa totoo lang, hirap akong tapusin ang order ngayon dahil iniisip ko yung plano ng aking negosyo na kailangan kong isumite sa aking guro bago ako makapag enroll sa darating na term. Sa aking nga pagkakaalam, ako pa ay magpiprisenta sa hurado ng mga guro sa aking paaralan na napakatagal ko ng hindi din nagagawa, kaya medyo kinakabahan din ako. Sana maging matagumpay naman ako kapag ako ay nag present na.

Ang aking Agosto ay hindi maganda. Naiirita ako sa mga bagay at tao, nasayang ang oras at pera ko at nagkasakit ako. Hindi ko inaasahan na ganun ang mga mangyayari. Iniyak ko na ang lahat ng pwede kong iiyak para mawala ang sakit at inis sa mga pangyayari. Hindi talaga nakakatuwa eh. Masyado ko ngang tiniis ang mga pagkakataong iyon, pero meron ding mga pagkakataong gusto ko ng sumabog at magalit. Inilalabas ko na lang ang mga sama ng loob ko sa aking malalapit na kaibigan, salamat sa inyo dahil palagi kayong nandyan at handa makinig sa akin. Palagi kayong maaasahan talaga! Pero hindi magtatapos ang buwan ng ganun, matatapos ito kasama ng magagandang ala-ala. Pinasaya ito ng pagsasama sama ng aking mga kaibigan kong matalik simula pa ng nasa High School pa lang kami (tulad ng naisaad ko sa nauna kong blog). Buti na lang, merong ganun na nangyari dahil kung ano mang paet ng naramdamam ko natabunan naman ito ng tamis ng aming pagsasama – yun lang naman ang isa sa tangi kong kailangan para umayos ang mundo ko.

Dun lang nagpapatunay na kahit anong gulo ng mundo, meron pa rin isang bagay o tao ang makakapagpaayos nito or tutulong para maayos ito at talagang matatabunan ang gulo.

Advertisements
This entry was posted in thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s