wonder why a sunset is a lot colorful than a sunrise..

Nagising nga ako kaninang umaga dahil nagulat ako sa aking panaginip- Rakista. Ito yung panaginip ko. Hindi ko man maalala ang buong kwento ng aking panaginip pero klaro sa aking isipan na nandun silang lahat. Hindi lang si Caloy, si CC, si Ted, si Sven, si Bebe, Nix, RJ, at Sonny. Lahat sila nandun, yes pati sina Quark, Sharon, Pong, etc, malinaw na lahat. What’s ironic is narealize ko paggising ko, thursday ngayon. Rakista day. Malungkot lang, finale na.

Drama much. Tatawanan nanaman ako ni Kaloy pagsinabi kong umiyak ako. Palagi na lang kasi ako umiiyak pag na aattach ako sa isang bagay, isang palabas, lalo na naattach ako sa mga taong involved dito. Pero totoo naiyak ako. Sobra. Nagsink in sa akin na patapos na nun nag “epilogue” na ang boses ni Lourd. Drama much talaga. Drama much.

Wala lang, tapos na yung Thursday nights na nasa bahay ako at pwede na ulit ako maglakwacha hahaha, ang dahilan kung bakit ako nanonood ng TV, kasi swear I dont watch TV anymore. Tapos na ang pagrerecord ko na buti na lang in the end gumanda din siya. Patapos na ang pagpupuyat ko sa pag-a-upload sa youtube (sa mga hindi pa nakakanood, manood kayo sa tv5rakista channel), di pa ko tapos kasi me isang episode pa ako eh. At di pa rin pala ako tapos dahil mag upload pa ako ng Hi-res files (kaloy, ipapasa mo pa sa akin yung copy sabi ni Quark) sa ibang mala Youtube na site, para mas malawak ang makanood. hihi. Pagrereply ko sa mga nagmemessage sa youtube at tinatawag akong “kuya at sir” kaloka. hahaha. Akala ata ako si Quark.

Noong una, nagtataka ako bakit ko ito pinapanood, dahil lang ba kay Kaloy kasi obliged ako manood hindi pwedeng hindi, eh hirap naman ako makarelate dahil di ako in love sa musika tulad ninyong lahat sa Rakista. I love listening to music pero not as much as you guys do. Naalala ko pang tinanong sa akin ni Kaloy, san daw ipod ko, sabi ko nasa bahay, wala man lang daw ako dala, ano daw ginagawa ko habang nasa byahe ako. sabi ko wala. kung baga steady lang ako. Pero di ko na muling tinanong yun kasi masaya naman ako sa napapanood ko, tumatawa(o humahagalpak?), na-i-emo, napapaisip ako palagi.

Nalaman ko na kung bakit ko ito kailangang panoorin, yung hindi lang si Kaloy ang dahilan ko, naintindihan ko ng mapanood ko ang episode 4. Tinanong sa akin ni Quark kung ano favorite kong episode. Sabi ko yung episode 4. Yung nawala si Sven at napunta sa Cubao X. Yung white canvas. Si Kinabukasan. Tinamaan kasi ako sa white canvas scene eh. Yung ang unang unang blog ko na related sa Rakista. Dun ko nalaman yung halaga nito sa akin, yung namulat sa isip ko sa mga simpleng linya lang na maririnig mo pero tatamaan ka. Lagi pang natatapat na mapapanood ko yung episode at related sa akin na para bang sinasagot yung mga bumabagabag sa akin. Parang binasa ni Quark ang nasa puso ko? Lalo pa nun dumating sa episode 8. Ang Eraserheads episode. Tinamaan ako ng malupit sa usapan ni Bebe at Caloy pertaining to CC eh, isa nanamang blog ko bago ako lumayas papuntang Baguio. Paguwi ko galing Baguio, okay na kami ng “CC” ng buhay ko (CC, hindi crush kong babae, hindi din crush kong lalaki, isang taong ayaw ko mawala, at gusto kong bigyan ng pagasa). Naalala ko nun, kahit ako ang sobrang sinaktan ng taong yun, at ayokong ako ang mauna makipag ayos, ako pa rin ang makipag ayos, kasi habang lumalagok ako ng pangalawang bote ko ng sanmiglyt eh nasa isip ko pa rin yung usapang yun. pagkatapos nun, message sent! harruuu!

Di man ako kasing inlove niyo sa musika, mas natuto akong mainlab sa buhay ng dahil sa palabas na ito, dahil sa inyo. hahahaha. Deep.

Hindi man ako parte ng show na ito, pero puso’t isip ko parte ako nito hahahaha. self-proclaimed. Shempre naman, pinagpupuyatan ko ang youtube ano. Di ako napilitang gawin yun, bukal sa aking kalooban yun. Kala ko pa nga noon, di okay kina Quark yun parang ba sa ABSCBN na pinapa delete lahat ng uploads dun. Pero hindi pala. Happy pa ang lahat because of that. Ginawa ko yun kasi alam ko kasi maganda ito at kailangang mapanood ng lahat ng tao sa bawat sulok ng mundo na di maaabot ng TV5. Di ako nagkamali, marami ang tumangkilik dito. Proud na proud ako dahil dun. Alam kong kung proud ako, paano pa kaya ang creatorSSSS nito diba? Isang maganda experience din itong ginawa kong paglilingkod sa madlang people. Biruin niyo, kailangan ko magig patient sa mga nagrereklamo sa resolution ng upload ko na kamusta naman kasi digicam lang yung gamit ko nun una buti nga nag evolve. Tapos yung iba, minamadali pa ako. Alam niyo yun, pero i really helped myself na icontrol yung sarili ko kahit na inis na inis na ako kasi this is what you call public service. tapos magsusunget ako. hahahaha. shempre di pwede yun. hahaha. In the end naman pag na upload ko na yung pinaka hihintay nilang paboritong palabas eh kahit hindi ko hinihingi nag cocomment sila or message sa akin ng maraming salamat o kaya sorry kasi makulit sila. Yun lang eh masaya na ako. Kasi alam kong maraming nag aabang talaga dito. Ibig sabihin marami talaga tumatangkilik dito. panalo!

Marami akong kinulit at pinilit na manood ng Rakista, sinabi ko si Kaloy kasi yun eh, panoodin niyo, sinabi ko din na maganda yun abt forming a band, abt music, abt friendship, abt love, pero mas nakakatatak din ang sinabi kong marami kang matututunan about life. At successful naman ako sa pangungulit sa kanila. Pinanood nga nila ang remaining episodes at panonoorin pa nila ang hindi nila napanood sa youtube. sa mga nakulit ko, salamat for bearing with me, sana tulad ko na enjoy niyo ng husto ang Rakista.

Sobrang mamimiss ko ang wild & crazy Sven, chicboy na Ted, cold hearted Nix, hindi emo na Bebe, crush ng bayan na CC, perky RJ (manonood kami ng sis ko ng Hairspray!) at xempre hindi ko mamimiss si Caloy. hahahahaha. Joke.

To Quark & everyone behind: SALAMAT! Kasi drama much man, isa ang Rakista sa naka help sa akin na mag move on. Di niyo lang alam kung ano ang pinagdadaanan ko bago ito nagsimula. Siguro kung di kayong lahat dumating sa panahong yun, ewan ko na lang.. hahahahaha. Palabas lang ito para sa ibang tao, pero para sa akin hindi, gamot sa sugat ito para sa akin. drama muuuuuuuuuuuuch. Maraming salamat din kay Bb. Adrias & Bb. See sa mga litrato (yung iba!:))

Ulitin ko ang title ng blog na ito kasama ang kasagutan: Wonder why a sunset is a lot colorful than a sunrise.. It’s one of the ironies of life, that there’s actually something good in goodbyes.. xoxo

season 2?

PS. RAKISTA YOUTUBE CHANNEL

Advertisements
This entry was posted in rakista. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s