Fly away for 2008!

I felt so good today na okay na ang lahat between me and cat. Para ngang walang nangyari eh. Ganun naman talaga eh diba? I feel so free.

When i went home kanina, una kong nakita yung mga balloons. I just had an urge. I opened my drawer and got a paper. Then i wrote “My Wishes for 2008” Then I wrote all my dreams and wishes, lahat ng dinedesire at minimithi ng aking puso – for myself, for my loved ones, for my future business, and hehe.. for my lovelife. (hindi mawawala yun ano. yun ang sinisigaw ng puso ko eh). I just limited it to my favorite number, my lucky 13.

Then i punched holes and tied the balloons and went out. Looked at the sky and freed the balloons from my hand.

I just felt like offering everything to Him. Bigla ko na lang gustong ipa-sa Kanya na ang lahat. Bahala na siya sa akin at sa mga sinisigaw ng puso ko. Siya na ang bahala sa kung ano man ang mangyayari dito. I know whatever na ipagkaloob niya ay para sa ikabubuti ko at ng lahat. Para sa kanya na ang lahat. Para sa akin. Para sa iyo.

I was even praying when I was doing that. Pinapanood ko lang yung balloons habang ito ay lumalayo. Palayo ng palayo sa akin. Hanggang tuldok na lang ang nakikita ko. Hanggang sa nilamon na siya ng mga ulap.

Taz pumasok na ako sa aking bahay. Nakatulog ako. Kasi sobrang pagod ako sa mahaba kong araw.

Nanaginip ako.

Natakot ako nun magising ako eh.

Kasi what if kung totoong nangyari nga yun?

Alam niyo what happened? Diba pinalipad ko yung mga balloons? Pinanood ko siya hanggang sa mawala siya. Tapos ‘siya’ ay palabas ng kanyang gate, biglang bumagsak sa harapan niya ang mga balloons, mismo, nag landing. Pinulot niya ito at binasa.

Kinabahan ako pag gising ko.

Ano kaya ang ibigsabihin nun ano?

Kung ano man yun, everything has a reason nga.

Sorry cat, pinalipad ko yung mga balloons, I have a purpose.

And i’m thinking of doing this na every year. =]

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s