Joining the bandwagon: WiSHLiST

Tama nga yung Yaya namin, kung para sa akin talaga, hindi ko na kailangang i-wish pa. =[ Dahil nagreklamo ako sa kanya na hindi ako nagising nun first day of Simbang Gabi.
That’s so depressing. hahaha.

Tama din si Kix, okay lang din na hindi ako maka-wish, basta i have faith.
YES I HAVE FAITH. Tindi nga ng faith ko eh. Tinodo sa fighting spirit.

Nagmumuni muni ako, akala ko, wala akong ibang gusto (kundi yung last wish ko sa list na ito), pero meron pa pala. Meron pa palang sinisigaw yung puso ko. Akala ko kasi, yun lang talaga. Pero pag hinalungkat mo ng todo, ayan oh, may makikita ka pa. Pero alam mo yun, hindi material na bagay ang hinihiling ng puso ko. Puro bagay na alam kong magiging masaya ako. Dahil yung mga material na bagay na yan, walang itutumbas na kasiyahan pagnakuha ko ang mga ito.

here’s my LiST:

1. Gusto ko before the year ends, alam ko na kung ano ang magiging business ko. Kasi nakakaiyak, Planning na ko sa January, hindi pa din ako decided. Ano na lang ang gagawin ko nun. =[ Ayaw ko bumagsak at higit sa lahat, ayaw ko ma-delay. =[ ’09!!!!!!

2. Gusto ko pumunta sa Korea, kasi gusto ko mamashal dun, pumunta sa Jeju Island, sa Teddy Bear museum, at higit sa lahat, gusto ko makasama si Tam dun. Namimiss ko na kasi siya eh. Of all people na kailangan kong dumanas sa nagdudugong ilong, sa kanya ako hindi nahihirapan, sa kanya ko nabubuhos ang lahat ng nararamdaman ko, yes, kinaya ko in english, lasing or not. =]

3. Gusto ko na bumalik sa Cali. Cali in general ko nilagay, kasi hindi ko alam kung san ko dun gusto magstay. Gusto ko sa ate ruthie ko, gusto ko din sa auntie grace ko. Kaya hindi ko alam kung san talaga. Hehe. Basta in short gusto kong bumalik na ng Amerika at magstay dun. At other than that, gusto ko din makasama yung kkg friends ko dun. Hehe.. Jen, lilipad ka ulit. =]

4. Gusto kong pumunta  ng UK kasi gusto ko makasama si Gretz. Kasi namimiss ko na siya. Three months na kaming magkahiwalay at three months ng hindi okay ang aking puso sa isang bagay na connected sa amin. Anyway, gusto ko makasama si Gretz kasi super namimiss ko na siya. Gusto ko siyang agawan ng chicken joy skin niya. Gusto ko siyang gisingin ng pagkaaga aga para pumasok sa eskwela. Basta gusto ko lang na kasama ko siya. Sige, kung hindi yan, iuwi niyo na lang siya pabalik dito. Mas magiging happiness ako nun. Ano game na?

5. Gusto ko, magreply na sa email ko yung papa ko. Kasi mula ng nagka-communication kami nun highschool ako, dalawang pasko ko na siyang hindi nakakausap. Sana may magbulong sa kanya, na yung anak niya, gusto siyang makita. Gusto siyang makasama.

6. Gusto kong makasama ng matagal ang PrettyFriends. Hindi lang sa mall or kung saan. Gusto ko overnight, over the weekend, kahit isang linggo pa, basta kasama ko lang sila ng matagal. Kasi super namimiss ko na sila. Iba pa rin talaga kayo. Mahal na mahal ko kayo.

7. Gusto ko gumaling na yung brother and cousin ko sa mga sakit nila.

8. Gusto ko yung mga taong mahal ko, maging masaya na din. Hindi ako selfish eh, na gusto ko ako lang masaya. hehehe. Gusto ko, masaya ako, masaya din sila.

9. Gusto ko bumalik na sa dati. Yung nakilala kong kayo. Namimiss ko na talaga yung dati eh. Akala niyo dedma lang pero masakit. Hindi mo lang alam kung gaano na kalayo ang loob ko sayo. Hindi ko naman inaasahan yun eh. Ikaw na mismo gumawa. Tinry ko naman intindihin ang mga sitwasyon, pero tao din ako, napapagod din ako.

10. Gusto ko ng FOREVER with HiM. ’nuff said.


Maybe it’s not yet too late for my wishes to reach the skies ano? Chaka wishes lang naman eh. Hindi masamang magwish diba? Hindi naman masamang ilabas kung ano yung dine-desire ng puso ko, lalo na kung pure ito. ampf.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s