Ayaw ko ng walang pasok!

Wala nanamang pasok tomorrow. Kaka-announce lang nila sa TV. Pano naman yung ‘need’ naming pumunta sa BSP tomorrow, paano na!!!! Kailan pa kami makakapag-interview niyan!!! Paano na rin ang lunch namin kina cathy bukas? At dahil sa 7 minutes na lang kaarawan na niya.

Kanina din walang pasok, nasayang lang ang isang buong araw kung sana nakapag quiz na kami sa Psych kanina at nakapagdiscuss sa Entrep about sa natitirang topics namin. Eh umulan naman gabi na! Langya naman oh. Nasasayang ang oras. Well, at least I was able to finish the three papers I need to submit for Rizal on Saturday in case na may pasok at naisipan nilang hindi na isuspend ang class at naisipan nilang, dapat pumapasok kami.

Tulad na lang nun Wednesday. Payag pa ako nun na ma-suspend ang class. Biruin niyo namang excited ako gumising nun araw na yun dahil ipapasa na namin ang aming marketing plan. Maaga din akong umalis ng bahay. Supposedly, 15 minutes lang yung biyahe ko. But NO!!!! Relak lang ang two hours. PWede?! Naiiyak na ako dun dahil hindi umaandar sa c-5 road. Baha pa. Naiiyak pa ako kasi naiwan ko ang celphone ko sa bahay at hindi ko alam kung paano ko mapaparating sa aking mga kagroup na parating ako para sa paper natin at ipasabi sa prof namin na wag akong i-late or wag akong i-absent. Nakarating naman ako sa school, 30 minutes late ako sa class ko when supposedly I was an hour early pa dapat. Ang maganda dun, pagdating ko pa, inannounce na na cancelled na ang class. Naisip kong hindi pa alam sa class ko dahil obviously, nandun pa sila nagkaklase pag silip ko. So, ako’y umenter at sinabing, “Sir, cancelled na ang class!!!” Aba ang ngiti ng aking mga kaklase. hahaha.

Gusto ko rin namang walang pasok, akala niyo KJ akong tao! Hindi ano. Ayaw ko lang kasi na mag make up class pa para sa mga na-miss na class. Ang hassle kaya. Ayaw ko ding nabitin yung mga quiz namin supposedly sa Math at Psych kasi hassle kaya to review ulit. Sana tapos na siya diba? But no. dahil walang pasok, moved siya. Edi i have to review ulit. Isa pang hassle is wala na kasing ibang time to meet up with my groupmates for the BSP interview for my eco class. As in wala na. Hirap kaya sched namin nag-co-collide. On the otherhand, kung hindi patapos ang term, kung hindi malapit na ang finals, i’d openhandedly enjoy this 6 days break i’m up to. hay. Wish ko lang, wala akong papers to be submitted next week para mas na-enjoy ko ito.

Napansin ko ding dalawang magkasunod na week na na walang pasok ng Wednesday & Thursday. haha. But this time, Friday naman ay kasama na! hehe.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s