remove this feeling away

i was chatting with my ate ruthie.. super namimiss ko na nga siya eh. ang tagal din naming hindi nagchachat nun. kahit minsan nagkakasabay kaming online. eh kasi naman minsan, busy parehas. anyway, she said punta na daw ako sa kanya sa Anaheim. bilisan ko daw. Nun sinabi niya yun, sagot ko agad na, sige. pero yung nasa isip ko, as if pwede. as if payagan ako ni mommy. she’d rather use the ticket fee to US for my tuition than me flying to Anaheim now. as if kaya ko din iwan ang school. pwede naman, mag LOA.. pero if i do, hindi na ako aabot sa 2009 graduation na tinatarget ko. Kung papayag naman ako, na sa 2010 na gagraduate. Pero my god naman, ayaw ko naman ng ganun, yung freshmen ngayon, sila kasabay ko gumraduate. Tama ng yung sophomores ngayon yung kasabay ko ano. Or, don’t even come back to school.. and just stay there, for some time. Pero gusto ko talaga pumunta kay ate ruth ngayon. I want to go to her and hug her and cry all the feelings away. Whatever feelings i have, the good ones, the bad ones, especially the feelings of missing someone, the feelings of wanting to be with someone.. basta all that feelings. gusto ko na pumunta sa aneheim ngayon grabe. as in right at this moment, leaving everything behind. if pwede lang talaga. if pwede lang!!!!

pagpumunta na ko dun targeting the date of the 1st of July.. mga gusto ko gawin dun???? (AS iF!! dream on! pero okay lang naman mangarap ng mga gusto kong gawin diba?)

Gusto kong gawin dun.. gusto ko mamashal at mag-ikot dun.. gusto ko mag Disneyland, at least nasa happiest place on earth ako.. gusto ko.. pumunta sa Vallejo, kasi nandun si Kix.. gusto ko pumunta sa Hayward, kasi nandun si Jenna and Eric, na bigger na ngayon. I want to hug them both. No more babies na.. Gusto ko punta sa South San Fo.. kasi nandun si auntie grace ko, kasi sobrang miss ko na rin siya… gusto ko siya makasama,, tutal magbibirthday na rin naman kami dalawa.. edi ayos! celebrate! in relation to that, pupunta na rin ako sa florida.. tutal dun naman ako kay ate ruth titira, at siguradong pupuntahan namin si caitlyn sa Florida, kasi it’s her 6th birthday, and ayos yun, kasi finally makikita ko na rin yung dalawa kong pamangkin dun… so, tatlo kami magcelebrate ng birthday! Tapos, babalik ako sa Vallejo after namin mag celebrate ng birthday, tapos mag knott’s berry farm kami ni Kix or mag 6 Flags, tapos roller coaster lang ng roller coaster to death.. Sigaw lang ng sigaw to release all our supressed feelings. Alam ko Kix wants that too. Tapos, sabay kami manonood ng Harry Potter dun. Akalain mo ba naman, dun na ako manonood, akala ko ba naman di ko makakasama si kix manood? (pagmangyari ito, good bye cebu na nga?) Pati yung book ko na HP, shempre, alanganaman intayin ko pa pagbalik ko para mahawakan yun shempre di din ako makakatiis, bibili din ako ng copy ko dun. Tapos pupunta ako sa Daly City & Stockton where Karen and Maian lives.. para mag “another day” kami.. aayain kong pumunta at magdrive to arizona, para puntahan si karla.. kaso pano naman si Jen.. layu!!!! Tapos, magbibeach ako dun ng magbibeach! tutal, summer dun ngayon! Kahit alam kong magyeyelo ako sa lamig ng tubig. Oh well, magjajacket na lang ako ulit. hahaha.

Oh well.. hindi naman masama isipin ito diba? Happy Thoughts lang naman! Just to make me smile! But oh well, please remove this feeling away.. baka gawin ko talaga ito. Baka malaman laman niyo na lang sa last day ng June, nagpapack na ako ng aking things to leave Pinas on the 1st of July, 17 days before my 21st. Hayaaaaaaay.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s