simple joys in life

Yung day ko last Saturday started really really early – 4 am. That’s when Kix called me up na nandyan na daw siya sa front ng gate ko. First time kaya ni Kix na matulog dito. Actually, siya pa lang and si Aimee ang nakakatulog dito eh :). Well, it’s nice having Kix around! We were talking for 30 minutes. She gave me her xmas gift pa — teddy bear siya na lalagyan ng fone. so cute. i love it. i named him CHEESE. Para malapit sa name ni kix which is francesca 🙂 pranCHEESEca. hehehehe. btw. SESKA, DEO & MITCH, nasa akin yung gifts niyo from kix. Maya maya tulog na kami. Nagising ulit ako around 7, aba’y early riser si kix. bakit kaya. hahahaha. Nanood pa ng step up habang nagpeprepare ako for class.


Aga namin umalis actually. 10:30 ata? Mga 11, i was in school na eh, nakaupo dun sa admissions then nakipagkwentuhan for a while kay clarisse and sir g. Talked to sir ed. Then, bigla kong nalaman na wala yung teacher ko sa Market Research. GRABE. super bad trip. sana nasa bahay na lang ako at tulog ano. So, ginawa ko, i paid for my load rev na lang. poooota… naka hang pa yung load rev ko. kasi daw accdg. to ms. gracie’s record of mine eh wala naman daw ang exl3 sa pink paper ko. Nagtataka siya how ako magloload rev if wala naman yun sa mga subjects ko daw. Nakita ko nga yung paper, wala nga exl3 dun. Yun yung mali, na pinagtataka ko kung bakit nga wala. feeling ko, since two papers ang sinusulatan dun, i forgot na to put exl3 sa pink paper and sa yellow paper na sinasubmit upon enrollment ko lang nailagay. Nakakainis kasi nga ganyan ko nga siya dinefend me sinasabi pa siyang tampering daw ng document. Nag-enroll ako sa hindi pwede. eh naman, sama sama kami nina cathy kausap siya. alam niyang eenrollan ko yun. alam niyang pinayagan ako ni sir ed dun. dun pa nga sa pink paper, na scratch nun sa likod eh si sir ed pa nga mismo nag check nun. wala na bad trip lang ako. kasi hindi agad mapoprocess. at bakit kailangan pang ganun eh pinayagan naman talaga ako mag enroll dun dahil kailangan ko yun chaka nabayaran ko na nga yun. in fact, magki quiz na kami sa tuesday dun. bad trip lang talaga. super uminit ang ulo ko dahil wala yung teacher nadagdagan pa nito.


then, i called my mom kung asan siya. she said papunta na sila sa LSGH kasi family day ng bro ko. Sabi ko kung may tao pa sa bahay. sabi niya wala. so i have to go there. eh ayaw ko dahil pagod nga ako AT bad trip. So ginawa ko i went to megamall & shang. nilibang ko ang sarili ko. DAHIL BAD TRIP NGA AKO. Naghahanap nga ako ng pwede kong bilin eh. Para bang panlubang loob since bad trip nga ako. Naghahanap ako sa national bookstore ng book. Wala akong mabili. Balak ko sana Mates, Dates or Series of unfortunate. Hala yung next book na kailangan ko both wala. so wala na rin ako nagawa wala na ako binili. kumain na lang ako ng pizza hut. Taz i went to LSGH na lang kasi wala na rin talaga ako magagawa. Hindi talaga ako makakauwi. At anong oras pa lang yun, 1 pm? 4 hours pa iintayin ko before ako sunduin nila mommy if ever sa megamall ano. pumunta na lang ako dun. Actually, natulog lang ako sa bleachers. hahaha. kahit super ingay, nakatulog ako. super pagod ko nga kasi sa paglalakad.


After nun, we went to Wilson and ate late lunch at Pho Hoa. Dami ko nakain as always. Then, we went to Manila to watch Pyro Olympics. AYAW ko talaga sumama nito, kasi alam ko traffic at matagal eh pagod nga ako. at hindi interested. wala naman ako magawa dahil wala nga tao sa bahay. so napilitan ako. It took us two hours bago kami nakarating sa may harizon plaza kung san namin iniwan ang car namin at naglakad kami hanggang film center. Imagine ang layo nun. super pagod talaga. eh kailangan na namin maglakad kasi wala na talagang iaandar ang mga sasakyan. Lahat ng tao kahapon dun papunta. Lahat ng klase ng tao ata nandun. lahat ng social classes. Balak namin sa MOA manonood, kaso wala na hindi na nga umaandar ang mga sasakyan. kaya napunta kami sa film center. first time ko nga atang tumapak dun ng malapitan eh. ang dilim dilim ng lugar grabe. scary. nagagamit na pala ulit yung building may mga offices at meron kainan. pero yung ground floor daw nun hindi nagagamit. Pag akyat dun sa may parang taas ng Film Center, super dami talaga ng tao. Dun na nga kasi kami inabot kaya dun na rin kami pumwesto. Grabe halos di na makahinga sa dami, kaya after ng CHina, lumabas na kami sa area at umupo sa may stairs dun. then, after a few minutes of rest, umalis na kami, hindi na namin pinanood yung sa pinas. kasi isang oras pa bago yun ipalabas. ang tagal nun men. antok na antok na talaga ako.


Maganda kung sa maganda yung mga fireworks. Walang doubt dun. Pero wala na, hindi na kasi ako interested sa iba pang fireworks mula ng makita ko ULIT ang “Remember… Dreams Come Trues Fireworks Spectacular” and “Fantasmic” sa Disneyland eh. Kasi obviously, gawang USA yung fireworks dun. Mas kakaiba. As in walang sinabi talaga. Yun na lang yung magreremain sa mind ko na pinakamagagandang fireworks na nakita ko in my whole life at hinding hindi na mawawala sa isip ko. Kaya nga mindset ko na yung hindi ako interesado talaga manood niyan eh. Tapos, hopefully pa, i’d soon come back sa california and even stay there for a longer time. Though, I know naman, na meron ding magagandang fireworks dun, alam ko maraming pang countries ang kasama dun and i’m sure they also have wonderful fireworks display.


Ito pang napansin ko sa aking experience kahapon sa pagtiyaga sa paglalakad makarating sa place kung san makikita ng maganda ang fireworks. Napansin kong napaka babaw talaga ng mga Pinoy (i’m not saying this in a negative way, pinangungunahan ko na). Kasi habang nanonood ako, nakatayo and taking pictures of the fireworks, yung mga tao sa paligid ko, sabay sabay pang “WOW… WOW… WOW…” at papalakpak pa. Too think, in my opinion, hindi pa nga yun yung the best na lumabas. Parang ako, hindi pa nga mashado masaya sa nakikita ko kasi nasa isip ko, grabe naglakad ako ng ganto kalayo para lang panoorin ito? eh ordinary lang naman sa paningin ko? Tapos, yung mga tao sa paligid ko, ganun din naman, naglakad sila ng malayo, nagcommute pa most sa kanila just to see it. Marerealize ko na lang na, ako im fortunate enough to have seen a better fireworks display than them. I have a car that drove all the way to manila to watch it and ako, hindi masaya. Sila, yung simpleng fireworks lang, masaya na sila. So, dapat ako din maging ganun. After nun, naisip kong yun, medyo naenjoy ko na yung remaining fireworks. Kasi para sa mga taong nandun sa Film Center last night, most of them, less fortunate talaga. For them talaga, Best things in Life are Free. Kaya yung simpleng fireworks display na yun, hindi man sila nandun sa area na super ganda ng view at may bayad. Yung fact na nakikita din naman nila, even in a not so good view at siksikan pa eh super masaya na sila. Naisip ko lang, diba, ang mga Pinoy kita mo sila, tawa ng tawa at enjoy ng enjoy kahit super laki na ng problema. That’s our way kasi eh. That’s the Filipino way of handling problems. I’m sure the people in there, marami din problema yang mga yan. Kaya nandun sila, para magsaya.


Ako din naman eh, mababaw. I don’t need a lot of things, yung mamahalin, yung uso o yung hi-tech. Masaya na ako kung anong meron ako. Kasi alam ko, I’m lucky na than most of the people in the country. Kaya ako din, mababaw din ako eh, simpleng kasama ko lang mga kaibigan ko, mapanood nag paboritong palabas, makita yung crush ko, marining ang favorite song, manood ng wowowee, kumanta, mag picture, manood ng movie, makita ang mga pamangkin ko, kasama ang family ko, the mere fact na alam kong may mga nagmamahal sa akin, mga simpleng bagay na yan, super malaki na ang magiging weight niya sa pagpapasaya sa akin.


moveover.. enough drama.. we went to my lola’s house early this morning cause it’s her 78th birthday on the 22nd. We celebrated it na today kasi paalis na si uncle chris tomorrow. Mejo natulog lang ako dun at kumain ng kumain. hehehe. Sad lang kasi ang dami daming wala. sana nandun yung iba ko pang cousins and titas and titos. pero wala sila eh. =( but that’s okay.. I’m sure we’ll see each other next time 🙂

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s