Goong-nified

House mode ako today eh. hehehe. Inayos ko yung collage sa room ko. Kinikilig ako ang ganda kasi ng mga pix namin dun. Kung madadala ko lang sa school yun eh para makita nina mommy edi nakakatuwa. hehehe. kaso ang laki laki nun eh. Dun sa mirror ko naman, naka lagay ang pix ng mga naggagandahang pamangkin ko.


Nanood din ako ng Jenny and Juno. Isang Korean movie na medyo mga bata pala yun. hahaha. 15 year old lang yung dalawang bida. Medyo YAY. kasi nabuntis kasi si Jenny dun eh. Pero ang galing nila.. pinanindigan nila. Chaka nag sweet sweet ni Juno. mga batang ito oo! pinakikilig ako. kahit bata sila kinilig pa rin ako. hehehehe.


Nakakabad trip yung bunso kong kapatid. Kasi nagpabili ako ng Goong na DVD ulit (bali yung nasa st. francis, papapalitan ko na lang ng iba kung sakaling maayos itong dvd kong ito). Sinalubong niya yung yaya namin sa baba kasama ng pinabili niya. Kinuha yung DVD ko. Balak niyang itago. kunwari daw walang nabili. Tapos kinukuha ko. Ayaw ibigay. UUPUAN ba naman. Eh shempre super na-bwisit na ako sa kanya. Sinigawan ko. Wala ako sa mood makipaglokohan ngayon. Aba’t ako pa nag pinagalitan ng mom ko. sabi niya ng bata daw ako wala daw gumagawa sakin ng ginagawa ko. Sabi ko, wala dahil hindi naman ako ganun kakulit. Aba’y sabi ba naman, nun bata daw kasi ako lahat daw ng gusto ko nasusunod. amp. OO nga kung ganun. pero hindi naman ako ganun kakulit at mang inis katulad ng batang yun ano. BAD TRIP grabe. Nananahimik ako dito, ginugulo ako.


ah ewan. alis na ako. manonood na muna ako ng prime time bida. iniintay ko din kasi ang Goong. Dahil gusto ko mapanood ang tagalog version ng isa sa mga favorite scenes ko sa Goong (yung tumira for a few days si Shin at Chae Gyoung sa bahay nina Chae Gyoung). haha. Adik na ako kung adik. intindihin niyo na lang ako. 11 days na akong bitin na bitin sa Goong. 2 episode na lang hindi ko pa matapos tapos. Sana itong bagong dvd ay gumana na hanggang ending. Baboosh.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s