Year End Report: 2006




2006
has come to a close (Yes! In 2 hours) and I am so thankful that I had a wonderful and fruitful year. 2006 was very different from the past few years especially from last year. I believe that it has been the greatest that I know of as of today. I believe that it wasn’t like last year’s rollercoaster ride. Steady lang ako this year. Happy kung happy. Fulfilled kung fulfilled. Twice akong nalungkot at nasaktan. But it didn’t stop me from being happy. Hindi naman ako nun nahila pababa.



Pero ang bilis talaga ng panahon. Katapusan na ng 2006. Hindi ko rin naman ililista ang nangyari sakin ng buong taon dahil nasa blog namang ito ang lahat lahat. Pero iha-highlight ko lang yung mga pinaka-magandang nangyari sa akin nitong year.



WANDERLUST to the MAX —– Madami dami din akong napuntahan this year. Nafulfill ko naman ang name kong wandergirl. The most memorable places I went to this year were in Bohol, Cebu, US, La Union & Baguio. Konti lang yan kung tutuusin, pero as a busy college student, madami na rin yan. Hahaha. I remember Bohol (March), AIESEC’s Asia -Pacific eXchange Leadership Development Seminar ’06. It’s my first (and last) international conference in AIESEC. And I’m not a delegate, I’m part of the OC team. It’s really a hard job but a very fulfilling one. Imagine we handled 110 foreign delegates from different countries. Chaka dito nabuo ang barkada namin. Solid friendship. Shempre, after ng hardwork, merong fun. Chocolate Hills. Tarsiers. Hinagdanan Cave. Panglao Island. Side trip pa sa Ratsky’s Cebu. Then, my US Trip (April 28- June 1), actually, hindi US eh.. Cali trip lang. Kasi sa Cali lang naman kami nag-ikot. Dun todo wandergirl ako kasi ang dami kong napuntahan dun – Hayward, Sacramento, Daly City, South San Francisco, Fairfield, Freemont, Stanford, Las Vegas, LA, OC, Lakewood, San Diego, Tahoe, Yosemite. Dami. Can’t remember the rest but indeed, this is a memorable one. Samahan pa ng snow, ni Aladdin, Spongebob, Disneyland, Universal, Seworld, 6 Flags. Feel na feel ko si wandergirl grabe. Ang food trip na hindi ko makakalimutan, ang dahilan bakit ang taba ko na ngayon – In n Out, Denny’s at Krispy Kreme na aking favorite chaka ang endless buffets na kinainan namin. Eh pano naman ang countless shopping sprees sa mga outlet at ang favorite kong Target & Bath and Body Works Heaven. Hehehehe. Chaka ang favorite ko, when we were in San Diego, nandun kami sa border ng US and Mexico. Super exciting yung feeling. Kahit hindi ako nakatayo sa border na yun mismo, medyo sa tabi lang, kasi bawal eh diba.. parang na fulfill ko na yung dream ko na nasa 2 places at the same time ako. Kasi biruin mo, US & Mexico. Ayan na eh! Unforgetable din ang KKG ‘One Day’ reunion namin. Kasi it’s been 3 years since we’ve known each other, yeah, here in cyberworld, pero ang friendship namin, kakaiba. Until now, nag uusap pa rin kami. We’re still here for each other. Amp. At shempre yung kasama namin yung mga relatives namin, lalo na si Auntie Grace, kasi super miss na namin si Auntie Grace. Super saya nga niya nun makita niya kami kasi super miss na rin niya kami eh. Chaka si ate Ruth and Kuya Warren, super saya. Plus si Eric and Jenna. I miss those two na nga eh. Siguro they’re bigger na now and si Jenna, naglalakad na siguro. Then our La Union-Baguio Trip last September. Kahit 6 lang kami nun, masaya pa rin.. I’m sure it’s more fun if mas marami kami nun. Okay lang uulit naman kami eh. Surf mode. Kahit hindi ako nag surf. Hehehehe. Tapos lakas ng trip, we went to baguio para mag dinner. Oh divah. Sinong matinong tao ang gagawa nun? KAMI. Hahahahahaa. Lakas ng trip men. Naka shorts pa kami nun nina cathy. Hahahahaa. And lastly, Cebu for the second time in October. Twice sa Cebu this year. Ayos. Para naman ito sa AIESEC’s National Leadership Development Seminar ’06. Full force ang ESA as always. Hehehehe. Saya. Our Ohana’s merrier coz mas marami na kami eh.



PROJECT Organizers —– ito na ata ang line ko ngayon? Haha. Hindi pa rin. Hehehehe. First in line ang PBOX. Project Based On eXchange. Damahin na natin ito, kasi AIESEC-ESA ang nagkaron ng very first PboX in the Philippines even if we’re just an applying LC pa lang, we were given such responsibility. Na nagampanan naman namin ng maige. It became very successful. We had 14 trainees from 9 different countries and they’re locked in Big Bobby’s House in Pasig. Haha. JOKE. They weren’t locked. Cem from Turkey, Charlotte from USA, Tam from South Korea, Marleen, Betul and Nynke from the Netherlands, Adnan from Bangladesh, Martyna from Poland, Jessica, Julia, Janet and Sydney from China, Regula from Switzerland and JK from India. This was our very own version of Pinoy Big Brother minus the live video footages. Hehehe. Ang dami kong natutunan sa PboX. I learned how to interact with confidence sa mga foreigners and be friends with them. nag boost yung self-esteem ko. Natuto talaga ako humarap sa tao. Bazaar. This time, it’s not AIESEC related coz it’s from my exl6 class. Ito kakaiba kasi first time kong sumabak sa gantong work. Actually, yung PBoX first time din pero mas mahirap ata for me itong bazaar namin. Pero sobrang ang sarap nun feeling ng mga comments na narinig namin from the concessionaies, from the permanent concessionaires of Tiende, from customers. Hay. Fulfilling. Di ko makakalimutan tong Tiende Bazaar namin lalong lalo na ang Team Tiende. Dito sa dalawang project naming ito: ang dami kong natutunan. Time management – wag nalilate, lalo na sa mga foreigners kasi hindi nila tayo maiintindihan. Eh hindi naman din ako nalilate, walang problema sakin yun. Tapos, yung pagbalance ng school work and itong projects na ito. Mahirap yun kala niyo ba. Money management – super ang gastos kaya nitong dalawang project na ito. Hay ewan. Trust in one’s self kasi kung wala kang trust sa sarili mo hindi mo din magagawa yung mga dapat mong gawin eh samahan mo pa ng lakas ng loob. Tapos, willing to accept challenges—both naman ay challenge sa akin, pero parang mas na challenge ako sa bazaar. Kasi naman, ako nilagay ni barry sa Programs committee ng bazaaar. Hindi ko kaya forte yun. Hindi ko hilig yun. Pero he gave me the challenge eh and I accepted it. haha. So, I tried my best in making the bazaar program the best it could be shempre with the help of my bestilicious. Tapos, Patience. Nako I really need a lot of patience dito. Lalo na sa bazaar. Haha. Kung alam niyo lang kung gaano sumakit ang ulo ko sa super inis sa mga bagay bagay. Lastly, I gained Friends here. From PboX, the 14 international trainees. Wow. Can you imagine I have 14 foreign people that will always be in my heart? Hay. Yes, it seems that Tam’s my favorite, but I love them all. It’s just that Tam and I really can relate to each other. Hehe. Basta., you know me, I’m a korean drama adik. Haha. And then with the bazaar, I met barry, schela, carla and a lot of other schoolmates that i didn’t know they existed before. Super nakakatuwa kasi ang dami ko nang kilala sa school. kasi dati yung mundo ko umiikot lang sa circle of friends ko at sa aiesec. Pero ngayon, hindi na, umiikot na siya sa buong school. and I am happy to be friends with them. chaka alam niyo yun, yung mga tipong akala mo hindi mabaet, mabaet naman pala. Kaya ayaw mo lang makipagfriends sa kanila dati dahil nadadamay ka sa mga sinasabi ng ibang tao. Yun pala, pagnakasama mo na yung taong hindi maganda yung naging impression sayo, super okay naman pala. Hay nako. I learned from that not to judge other people based on what other people say. Hindi yung dahil ganto daw siya, ayaw ko na rin sa kanya. Ang gagawin ko na ngayon is kikilalanin ko muna yung tao kung nagkaron ng panget na impression sakin, edi chaka lang ako aayaw. Diba? Hehe.



Forgiveness —– Ang dami kong taong nakasamaan ng loob nitong year na ito. Well, actually, yung tatlo last year pa naman. Unang una, isang taong inakala kong kaibigan ang turing sa akin pero hindi pala. Plastic pala. Para sa’yo, pinatawad na kita. Matagal na, hindi ko na pinansin kung ano man yung nagawa mo sa akin. Ni hindi kita nilabanan dahil wala rin naman itong patutunguhan. Masasakit yung mga nasabi sa akin na salita at mga nabintang sa akin. Ito lang ang pinanama ko jan sa issue na yan. People are trying to pull me down that is why I am proud of it because it only mean one thing, I am above YOU and one sure reason why you hate me, it is because you want to be just like me. Ito pa, In this life, you can’t avoid gossip and unkind words from others. Whatever you do, you will never please everyone. Remember: If you weren’t worth anything, they won’t bother. Second, masaya ako dahil bago natapos ang taon eh slight kami nakapag usap ng isang taong involve sa issue na una ko binanggit, hindi man kami nakapag usap pa ng matino dahil sa friendster pa lang kami nag uusap, I’m sure maayos din ito ng lubusan. Wala naman kasi talagang naging problema sa amin eh, dala lang nung unang issue kaya nagka gap. Pangatlo, sino pa, si gael.. Finally, okay na kami. Tuluyan ko na kinalimutan kung ano ang nangyari noong nakaraang taon. Kasama na dun ang pagpapatawad sa ex ko at sa isa pa naming friend na nakasagutan ko dahil sa kanilang dalawa, si ann. Start na ng bagong friendship para sa amin. Sana wala ng makasira pa nito ulit.



Wow. Ngayon ko lang narealize na super duper haba na pala ng aking nagawa. Mashado ko yatang dinama ang 2006 ko. Ilan lang ito sa mga important sa akin na nangyari sa taong 2006 ko. I may not put everything in it, but I know in my heart that what ever happened to me the whole year happened for a reason. Reasons for I still dunno why but it definitely made me stronger, helped me grow up and be maturer in whatever decisions I am going to make. I have been really really blessed this year, family with the best kind of mom, the best kind of friends, the best kind of school, basically all aspects of my life excluding my love life. Hahaha. I hope my 2007 would be even better. isa lang wish ko, dumating na SIYA. Hahahahahahha. Kung sino ka man! Hello! I’m waiting! Hahaha.


And I hope you enjoyed reading my blogs, to whoever who is patient enough to read my daily blobs, rants and raves, sana wag kayo magsawa. Libre lang mag comment. Hehe. Chaka wag kayo magsawa sa katitingin sa mga pictures ko, namin. Pasensha na kung super duper sa dami.


As I leave these space for 2007, here’s the new layout, version Hanging by a Moment. New Year. New Life, New trials, New heartaches, New Love, New friendship. Kaya NEW LAYOUT. para New everything.



HAPPY HAPPY 2007 TO EVERYBODY!!!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s