confused.

nalilito ako. di ko alam kung ano gagawin ko. kung dapat ba yung gagawin ko. kung tama ba yung gagawin ko. kung makakabuti ba ito or hayaan ko na lang ng ganito. kasi baka wala din naman pala itong patutunguhan eh. ako man sobrang willing, eh pano kung siya hindi? oh kaya, baka isipan ako ng masama. to think na ayoko naman ng ganun, kasi wala naman akong ginagawang masama. (Akala mo lang wala pero meron meron meron. yay.kumusta naman ako. ehem. ehem. related?) chaka ininvite naman ako eh, hindi nga lang niya. sabi pa, inaasahan daw ako. diko tuloy alam. nakakaipit pala ito. yung okay sa mga taong mahalaga sa kanya, pero sa tao mismo, hindi mo alam kung okay ba. nakakatakot din kasi eh. pano kung hindi ko pala siya makausap. pano kung talikuran ako. pano kung dedmahin ako. parang nakakahiya yung ganun. ang tanong kasi, ano ba ang gusto kong gawin? o kaya, gusto ko ba ito gawin?  ang sagot ko kasi, OO gusto ko. gustong gusto. kaso natatakot ako sa kahihinatnan. alam ko kasi, follow your heart, kaso hindi ko alam kung tama bang sundin ko ang puso ko o sundin ko ang utak ko na sinasabing wag na. hindi ko talaga alam. wah. ito nga ang kakaiba dito eh, sinabi ko ito kay mommy, alam niya gabi ito. wala siyang say. yung tipong nagdedecide ako ng hindi ko sinasabi sa kanya. yung tipong may pupuntahan ako tapos sasabihin niya, “bakit pinayagan ba kita?” hindi siya ganyan nun sinabi ko sa kanya yun eh. wala. hindi niya sinabi yun. alam niya kasi na gusto ko talaga, na importante sakin. ewan. naguguluhan talaga ako. bukas ko na siguro malalaman ang sagot. hihingi ba kaya ulit ako ng sign kay mr. destiny ko? parang ayaw ko. parang natatakot ako humingi. baka kasi sabihin wag na lang diba? naiiyak tuloy ako. ewan ko, sasamahan naman ako ng friends ko eh. hay.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s