start your day right.. with a smile?

grabe. nakakainis. hindi in-allow ni sir ed yung 2 subjects ko for independent studies. nakakainis. di pa tuloy ako maka-enroll. hmpf. kasi naman!!! grr! pero aayusin pa ulit at sana maayos naman siya. Yung pagkainis ko tuloy naibuhos ko sa dapat hindi buhusan. pero okay lang naman, dahil dun nawala yung inis ko. saya na ako. 😀 smile. smile. smile.

pumunta ako sa bahay ng mga pamangkin ko, Sakki and Mieke. first time kong makita si Mieke, ang cute cute na bata! kwentuhan lang kami ni Sakki ng mga 5 hours din. hehe. nagmerienda kami ng pizza, greenwich. share ko lang… third day ko ng nag pizza. simula ng monday ng kasama ko sina Jill, pizzahut, ng tuesday, kasama ang barkada, yellow cab. hala! ano naman kaya bukas? kumusta naman yun diba?

nag cab ako pauwi. sabi ko sa eastwood ako. sa eastwood naman kasi dapat ako pupunta kaso hindi ako sinagot ng isa kong friend. so i assumed, hindi tuloy, kaya sabi ko sa driver direcho na sa bahay ko. eh nalaman na sa bandang manggahan, hala! galit na galit yung driver. hindi ba nakakairita pag ganun? nag taxi driver pa sila. namimili! eh wala namang lugar ng ganung oras ang hindi traffic. banas na banas kaya ako. sabi ko sa driver, ibaba na niya ako dun sa may jollibee. magbabayad naman kasi ako eh diba? eh nitatamad na akong mag jeep at tricycle pauwi from jollibee. nakakita ako ng cab. pinara ko. maya maya, hinuli yung cab without no reason. i mean, wala naman ginawang violation yung nasakyan ko. sabi ng pulis, nagco-cause daw ng traffic kasi sumakay ako sa no loading and unloading area. eh hindi naman. when i rode the cab, naka stop pa. so pwede pa magsakay dun. chaka hindi naman niya ako sinakay dun sa may intersection kung saan bawal talaga. eh umandar yung mga sasakyan naman nun ng saktong pagclose ko ng door eh. so, hindi talaga nag cause ng traffic. In the end, 100 pesos lang pala ang katapat niya. hindi niya pa sinabi ng maaga. nakipagdiskusyon pa siya sa driver. inis na inis na ako kasi gusto ko ng umuwi nun eh. sobrang lapit ko na nga, tinigil pa ng pesteng 100 peso worth pulis. daym. magbago na kayo men. 2006 na noh!!!! hindi ako makaalis dun sa taxi, kasi wala na akong masakyang iba sa place na yun eh. chaka naawa ako sa driver wala naman din kasi siya kasalanan eh. tsss.. pinoy talaga walang pinagbago. nakakainis..

ediba ang saya saya ko maghapon. muntik na muntik na talagang may sumira. isang taong ayaw ko makita. teka, bakit ko ba pagsasayang ng space yun dito sa aking BLUE SKY (iun kasi ang tawag ko sa aking multiply eh kahit hindi siya color blue). kaya di pwedeng masira yung happiness ko for today. yay! buti na lang ang aking kikay na inaanak ay naabutan ko pa pagdaan ko sa bahay. at niyakap pa ako. aww.. sigaw siya, “NINANG!” kasi paalis na sila ni christian. ihahatid na siya sa kanila. eh nagtago nga ako para hindi ako makita. pagdaan ni teptep, tinawag ko. buti malakas pandinig.

Advertisements
This entry was posted in Random Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s