it’s a date! natuloy din sa wakas.

happy ako kasi almost complete na yung pictures sa bohol na naka upload. one last day na lang! weeh! excited na ako. bukas tatapusin ko na ang pag-upload sa lahat. sorry ha, mashado akong vain. isipin niyo na lang, yung whole bohol trip namin, naka almost 2000 pictures kami, hindi pa kasama dun yung sa camera ni ed. kumusta naman yun diba? shempre hindi pa lahat inapload ko dito. kasi duh! hindi kasha. ehehe. chaka paulit ulit lang din yung iba, minsan different angle lang din. mashadong vain ang barkada.

at sa wakas natuloy din ang plano namin. sa abs-cbn kami nagkita ni Jill at Alwyn. tapos hindi pa kasi namin alam kung saan kami pupunta, sinundo na muna namin si Janus na kasalukuyang nahihimbing pa. inintay pa namin siyang maligo at magbihis. kaya’t kami ni Jill at nakipagkwentuhan na muna sa mommy ni Janus.. at hindi mawawala sa topic ang movie niya. hahaha. hindi nga kami maka-decide kung saan kami pupunta eh. naisipan pa naming sa Star City at sa EK kami pupunta, Hala! sa G4 din kami bumagsak. bumili kami ng tickets dahil kami ay manonood ng Ice Age— sa totoo lang, hindi ko talaga trip panoorin yun. kaso ang mga kabarkada ko ay napanood na yun, sabi nila maganda, so gusto ko na rin panoorin. Buti na lang, hindi pa din nila yun napapanood. Niloloko pa namin si Janus na yung ‘D Lucky Ones’ na lang ang panoorin namin. shempre ayaw niya kasi nandun siya, napanood na niya rin yun. since, maaga pa, kami ni Jill ay nag time zone muna. dance maniac, basketball, barilan, victory lap, dance maniac ulit.. sina alwyn naman ay bumili ng aming dinner sa pizza hut. tumambay na din muna kami dun sa open area sa may labas ng starbucks. then, Movie time. super laugh trip yung movie, lalo na yung sa Posums. enjoy. nakakatouch… tama sina ces.. related sa amin yun.. na-Miss ko tuloy sila. hindi pa kasi kami ulit na kumpleto eh.

shempre, since it’s kinda late na, we went home na after. TO my BbyJill, sa wakas natuloy na din tong lakad natin noh? sayang wala si partner Xcharm. pero super saya ko kasama kayo. salamat kasi naiintindihan mo ang nararamdaman ko. salamat sa pagmamahal. salamat dahil lagi ka nandyan. salamat dahil kahit may cipri ka na, love mo pa din ate margz. haha.. alam niyo, si Jill Yulo, isa sa mga taong nakilala ko na super humble. super totoong tao. super hindi niya sinasaksak sa isipan niya na “artista ako”.. hindi siya plastic na tao. pag may ayaw siya sasabihin niya. kung ayaw niya sayo sasabihin niya. hindi ka niya paplastican. she gives time to her fans, nakita ko yun eh, dati sa qpids, imbis na namamahinga na siya, pupuntahan niya pa yung fans niya, makikipagkwentuhan at picturan. nakasayad talaga paa niya sa lupa. lahat ng bagay nasasabi ko jan sa batang yan. isa sa mga bestfriends ko yan eh. kahit na mas matanda ako ng 3 years. hehehe… kaya sa sandaling aalis ako ng pinas, isa siya sa super mamimiss ko. 😦 lalabkita bbyjill. mwaaaaaaaaaah! Si Cipri din shempre, si Alwyn.. lalab ko din yan kasi lalab ni jilly ko yan eh. thank you kasi hindi mo siya pinababayaan. alam kong super love mo siya. alam ko kung pano kayo nagsimula diba? kaya huwag mong papaiyakin yang si bbyjil ko. chaka actually, parehas na talaga ng ugali tong dalawang yan eh. hehehe.. DRAMA TOH. kasi naman kanina, dinadramahan ako eh. babalik naman ako. kayo talaga! 🙂 Super nag Enjoy ako kasama kayo.. yay.. with janus around? no dull moment talaga! sa susunod, kasama na si madz ha.. pati ang ibang qties….

it’s my auntie daisy’s birthday today. i was on my way home when my sister texted me that they were in Tiendesitas. susunod sana ako dun kaso lang, traffic. so pinadirecho na lang ako sa bahay. grr. hehe.

Advertisements
This entry was posted in Random Thoughts. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s